Home TOP STORIES Robinsons Antipolo nagpasaya sa komunidad sa pamamagitan ng “Sparkling Christmas”

Robinsons Antipolo nagpasaya sa komunidad sa pamamagitan ng “Sparkling Christmas”

294
0
filter: 0; jpegRotation: 90; fileterIntensity: 0.000000; filterMask: 0; module:1facing:0; hw-remosaic: 0; touch: (-1.0, -1.0); modeInfo: ; sceneMode: Night; cct_value: 0; AI_Scene: (-1, -1); aec_lux: 0.0; hist255: 0.0; hist252~255: 0.0; hist0~15: 0.0;

Antipolo City – Pormal nang sinimulan ng Robinsons Antipolo ang selebrasyon ng Pasko sa pamamagitan ng kanilang Sparkling Christmas, kung saan ginanap ang isang makabuluhang gift-giving at ang grandiose na pagpapailaw ng 40-foot Christmas tree na muling binigyang-buhay ang klasikong imahe ng pine tree bilang simbolo ng liwanag at kagalakan para sa komunidad.

Sa taong ito, pinarangalan ang mga pamilya at kabataan mula sa Philippine National Police (PNP) at Bureau of Fire Protection (BFP) bilang mga everyday heroes na tapat na nagsisilbi sa kanilang mga nasasakupan. Kasama rin sa selebrasyon ang mga lokal na opisyal at katuwang ng komunidad, kabilang sina Dating Alkalde ng Antipolo Andrea Ynares, Bise Alkalde Randy Puno, Antipolo PCPT Jose Danilo Llave Jr., BFP FSUPT Elmer Maronilla, at iba pang lider mula sa LGU.

Kinatawan naman ng Robinsons Land Corporation (RLC) sa nasabing okasyon sina Malu Rhom, Operations Director; Jonathan Ho, Regional Operations Manager; at Jess Zulueta III, Senior Marketing Director ng Robinsons Malls, na nagpasaya sa mga dumalo at nagbahagi ng mensahe ng pag-asa at pagkakaisa ngayong Kapaskuhan. Danny Querubin

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here