Home NATIONWIDE Rollback sa produktong petrolyo sa susunod na linggo, asahan!

Rollback sa produktong petrolyo sa susunod na linggo, asahan!

MANILA, Philippines – Asahan ang bawas sa presyo ng mga produktong petrolyo sa susunod na linggo.

Ayon sa pagtaya ng Department of Energy, posible ang P1.20 hanggang P1.50 na bawas sa presyo sa kada litro ng diesel habang P1.20 hanggang P1.50 naman sa kadalitro ng kerosene.

Samantala, mula P0.70 hanggang P0.90 ang inaasahan na bawas sa kada litro ng gasolina.

“Oil prices remain under pressure this week despite OPEC+ agreed to extend their voluntary production cuts of 2.2 MMBD (million barrels per day) till end of this year. This decision comes in response to growing concerns over weakening demand growth, high interest rates and increased production from the US,” paliwanag ng DOE.

Nitong Martes ay nagkaroon ng dagdag-bawas sa presyo ng mga produktong petrolyo.

Karaniwang inaanunsyo ang oil price adjustments tuwing Lunes at ipinatutupad naman tuwing Martes. RNT/JGC