Home ENTERTAINMENT Rommel, na-bash sa pananaw sa KathNiel!

Rommel, na-bash sa pananaw sa KathNiel!

Manila, Philippines- Rommel Padilla, Daniel’s dad, sees a ray of hope na magkakabalikan ang anak at si Kathryn Bernardo.

Ito’y sa kabila ng katotohanang malabong mangyari ang inaasam nito para sa anak kay Karla Estrsda.

Matatandaang November last year when Kathryn and Daniel decided to end their 11-year relationship.

Bagama’t ikinatutuwa ng ilan lang ang “never say die” attitude ng ama para kay Daniel ay mas marami ang tumuligsa kay Rommel.

The least that he could do daw ay ipaunawa sa anak na may mga bagay sa mundo na kailangang mangyari.

And all we need is to accept these life realities and learn from them.

Mas makakatulong pa nga raw kay Daniel na ipaintindi ni Rommel na sa larangan ng buhay, there are exactly no mistakes.

Only lessons.

Maano raw na gayahin na lang ni Rommel ang mindset o pananaw ng dating karelasyong si Karla?

Ayon kasi kay Karla, hangad niya’y maging maayos na lang si Daniel sa pagharap sa buhay sa kabila ng nangyari sa kanila ng dating nobya.

In fairness to Daniel, obyus namang he’s doing just that.

Medyo matatagalan nga lang ang period of recovery, pero pasasaan ba’t Daniel will get there?

Sa gusto raw kasing mangyari ni Rommel, lalabas lang na mukhang kawawa ang anak sa halip na bigyan niya ito ng inspirasyon.

Ikatutuwa daw ba ni Rommel na bansagang “hilahod-tanghod” si Daniel? Ronnie Carrasco III