Home HOME BANNER STORY Romualdez, arestado na

Romualdez, arestado na

18
0

MANILA, Philippines – Inaresto si dating House Speaker at incumbent Leyte 1st District Representative Martin Romualdez matapos maglabas ng warrant of arrest ang Third Division ng Sandiganbayan dahil sa kasong plunder.

Ipinatupad ng mga awtoridad ang arrest warrant laban kay dating House Speaker Martin Romualdez sa Cardinal Santos Medical Center nitong Lunes, Setyembre 7, kung saan siya naka-confine dahil sa cardiovascular ailment at hindi stable na blood pressure.

Kinumpirma ni Interior Secretary Jonvic Remulla na naihatid na ang warrant at si Romualdez ay itinuturing nang person deprived of liberty.

“We will check everyday until he is well enough to be presented to court,” pahayag ni Remulla sa mga mamamahayag.

“In the meantime, mayroon kaming armed guards, armed police outside his door and… he is now considered a person deprived of liberty,” dagdag niya.

Ayon kay Remulla, isinugod sa ospital si Romualdez noong Lunes ng hapon matapos magsampa ang Office of the Ombudsman ng ₱7.44-bilyong kasong plunder laban sa kanya at tatlo pa. Sinabi ng kalihim na ayon sa anak ni Romualdez, inatake ito ng anxiety.

Inatasan ng korte na dalhin si Romualdez sa kustodiya ng pamahalaan.

Nauna nang nakahanap ng probable cause ang Third Division ng Sandiganbayan at naglabas ng arrest warrants at hold departure orders laban kina Romualdez, dating mambabatas na si Zaldy Co, aide ni Romualdez na si Joselyn Tragua Serenio, at businessman na si Felicito Cristobal Guevarra.

Ayon sa warrant, walang inirekomendang piyansa. Dahil non-bailable ang plunder, inaasahang ibo-book at idi-detain si Romualdez kapag nakalabas na siya sa ospital. Si Co naman ay nananatiling at large matapos umiwas sa pag-aresto sa kaugnay na plunder case at naiulat na naghahanap ng asylum sa Europe.

Sinampahan siya ng Office of the Ombudsman ng kasong plunder dahil sa umano’y pagtanggap ng ₱7.44 bilyong kickback mula sa flood control, infrastructure at iba pang proyekto ng pamahalaan mula 2022 hanggang 2025.

Nangyari ito mahigit isang buwan matapos sabihin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., pinsan ni Romualdez, na itutuloy ang mga kaso laban sa dating House Speaker kaugnay ng umano’y katiwalian sa mga infrastructure project. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here