MANILA, Philippines – Inimbitahan ng Senate Blue Ribbon Committee si dating Speaker at Leyte 1st District Rep. Martin Romualdez sa pagpapatuloy ng pagdinig ng Senado kaugnay sa flood control scandal.
Sa pahayag, sinabi ni Senador Pia Cayetano, chair ng naturang panel, na pormal na silang nag-isyu ng imbitasyon para sa pagdinig na nakatakda bukas, Hunyo 4, bilang bahagi ng nagpapatuloy na pagdinig sa maanomalyang flood control projects.
“We look forward to the cooperation of all invited resource persons and agencies as the Committee carries out its mandate in aid of legislation and public accountability,” aniya.
Muli ring ibinalik ng Senate panel ang imbitasyon para sa 18 indibidwal na nagpakilalang mga dating bahagi ng Philippine Marines na naghatid umano ng mga kickback sa mga opisyal ng pamahalaan.
Kabilang din sa naimbitahan si dating assistant engineer Brice Hernandez ng Bulacan 1st District Engineering Office Brice Hernandez, na nagturo rin sa ilang mambabatas na may kaugnayan sa flood control scandal. RNT/JGC