Home NATIONWIDE Romualdez nagsalita na vs VP Sara

Romualdez nagsalita na vs VP Sara

MANILA, Philippines – Binasag na ni House Speaker Martin Romualdez ang pananahimik sa ilang araw na pangungutya at umano’y pagbabanta ni Vice President Sara Duterte.

Sa kaniyang talumpati sa Kamara sinabi nito ni Romualdez na, “recent events compel me to address not only the accusations that have been hurled against me personally but also the attacks on the institution we hold sacred.”

Aniya, nakaaalarma ang pahayag ni VP Sara na pagkuha sa assassin upang patayin umano si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. First Lady Liza Araneta at sa kaniyang sarili.

“Hindi na ito biro. Hindi na ito normal na pananalita. Isa itong direktang banta sa ating demokrasya, sa ating pamahalaan at sa seguridad ng ating bayan.”

BInigyang diin pa ni Romualdez na, “This is not just an affront to the individuals targeted; it is an attack on the very foundations of our government, It is an insult to every Filipino who believes in the rule of law and the sanctity of life.”

Sinagot na rin ni Romualdez ang paratang ni VP Sara na nais niya umanong sirain ang reputasyon ng pangalawang pangulo dahil sa political ambitions nito sa 2028 elections.

“Malinaw na ang trabaho ko ay hindi manira.Ang pulitika ng paninira ay hindi kailanman naging bahagi ng aking prinsipyo,” giit pa ni Romualdez.

Naniniwala ang speaker na ang mga walang basehang akusasyon ay may layuning mailihis aniya ang isyu ng maling paggamit ng pondo ng Office of the Vice President at Department of Education (DePeD).

Ang hamon ngayon ni Romualdez kay VP Sara ay, “Kung wala kang itinatago, bakit hindi sagutin ang mga tanong? Karapatan ng taumbayan na malaman ang katotoonan.”

Sa huli ay ipinagdiinan ni Romualdez ang kaniyang matibay na suporta s administrasyong Marcos. Meliza Maluntag