Home NATIONWIDE NBI walang natatangap na banta laban kay VP Sara

NBI walang natatangap na banta laban kay VP Sara

97
0

MANILA, Philippines – Sinabi ng National Bureau of Investigation (NBI) na wala silang natatanggap na impormasyon ukol sa umano’y banta laban kay Vice President Sara Duterte.

Ito ay ayon kay NBI Director Jaime Santiago matapos na maglabas ng pahayag si VP Sara laban kina Pangulong Ferdinand Marcos Jr, First lady Liza Araneta-Marcos at House Speaker Martin Romualdez matapos nitong kondenahin ang kautusan ng Kamara sa paglilipat kay Atty. Zuleika Lopez, ang kanyang chief of staff mula sa detention facility ng Kongreso patungo sa Correctional Institurion for Women sa Mandaluyong City.

Si Lopez ay ikinulong sa Mababang Kapulungan matapos siyang ma-cite in contempt sa umano’y hindi nararapat na pakikialam sa imbestigasyon ng Kamara sa mga confidential funds ng opisina na hawak ni Duterte.

Nilinaw na rin ni VP Sara na ang kanyang pahayag ay hindi isang banta, at idinagdag na nais lamang niyang i-highlight ang umano’y banta laban sa kanyang seguridad. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here