Home NATIONWIDE Mock elections posibleng isagawa sa Enero – Comelec

Mock elections posibleng isagawa sa Enero – Comelec

146
0

MANILA, Philippines – Maaaring magsagawa ng mock elections ang Commission on Elections (Comelec) para sa may 2025 midterm elections sa ikalawang linggo ng Enero 2025.

Umaasa si Comelec Chairman George Garcia na lahat ay makukumpleto at maipapasa bago ang katapusan ng Disyembre dahil nais aniya nilang magkaroon ng mock elections sa nasabing panahon.

“Truth be told, we’re already late by at least one month. We’re hoping to be able to catch up and everything will be completed before the timeline we’ve arranged for the purposes of the mock elections,” ayon kay Garcia sa contract signing sa pagitan ng Comelec at PRO V & V, Inc. para sa international certificates ng 2025 automated election systems (AES).

Sinabi ni PRO V & V, Inc. President Ryan Jackson Cobb na ang kontrata ay ibang-iba sa naunang dalawa na ginawa nila.

Ipagpapatuloy ang iba pang aktibidad ng Comelec para sa 2025 sa kabila ng pendency ng international certification, kabilang ang local source code review (LSCR), na nagsimula noong nakaraang buwan, ayon kay Garcia.

Kabilang sa LSCR ang source codes para sa Full Automation Systerm with Transparency Audit/ Count (FASTrAC) at Online Voting and Counting System (OVCS) para sa overseas voters.

Isusumite sa ICE ang mga tala mula sa pagsusuri bilang bahagi ng proseso ng sertipikasyon. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here