Home NATIONWIDE Romualdez suportado ng 285 na mambabatas sa Speakership sa 20th Congress

Romualdez suportado ng 285 na mambabatas sa Speakership sa 20th Congress

(c) Den Alb Photography

MANILA, Philippines – Tiniyak ni Senior Deputy Speaker Aurelio “Dong” Gonzales Jr. na nananatili ang liderato ni House Speaker Martin Romualdez at sigurado aniyang ito pa rin ang hihiranging speaker ng 20th Congress.

Ipinahayag ito ni Gonzales kasunod ng paglagda sa manifesto of support kay Romualdez ng may 285 na mambabatas na aniya’y malinaw na palatandaan ng pagkakaisa ng mga kongresista.

“Ako, I believe 100% siya pa rin ang magiging Speaker of the House ng 20th Congress,” said Gonzales during an ambush interview with the media. The mere fact na may pumirma nang 285 for the 20th Congress, that is a manifestation na talagang gusto nila ‘yung liderato ng ating nakaupong Speaker. Ganoon lang ka-simple ’yun,” ani Gonzales.

Nauna rito ay tumanggi si Deputy Speaker Duke Frasco na lumagda sa nabanggit na manifesto na siyang nagtulak upang tanggalin ito sa kaniyang kinabibilangang partido, ang National Unity Party NUP.

“Regarding naman doon sa statement ni Duke Frasco, ni Deputy Speaker, kasama ko ’yang Deputy Speaker. I am the Senior Deputy Speaker and he is one of the Deputy Speakers. Palagi naman ’yan nagpe-preside, we have the schedule to preside. Ginagawa naman niya ’yung tungkulin niya at hindi ko alam kung bakit may ganitong isyu,” dagdag pa ni Gonzalez.

Paglilinaw pa ni Gonzales na hindi pa sila nagkakausap ni Frasco simula noong eleksyon at aniya’y hindi niya alam kung meron mang pagtatangka na siya ay alisin bilang Deputy Speaker.

“Hindi ko po ’yun masasagot… Wala po ako alam na (ganoon). Wala po. Andito po ako halos araw-araw. Wala po ako alam na hindi pagkakaintindihan ng liderato. Ang ating Speaker, nakikita n’yo naman po kung paano magtrabaho every day.”

Sa kaniyang mga pahayag ay tahasang sinabi ni Frasco na dismayado siya sa liderato ng Kamara at ang mga desisyong hindi nagkakaisa umano ang siyang dahilan ng kaniyang pagtangging lumagda sa manipesto ng suporta para kay Romualdez.

Naniniwala si Frasco na dapat aniya na ang Kongreso ay maging bahagi ng gobyerno sa pagpapabuti ng bansa at hindi kailanman dapat pagmula ng mga hindi pagkakaunawaan. Meliza Maluntag