Home METRO Roof deck ng high-rise building sa Makati, nasunog!

Roof deck ng high-rise building sa Makati, nasunog!

MANILA, Philippines – Nasunog ang rooftop ng isang 45-story na gusali sa Barangay Bel-Air, Makati City.

Ayon sa Bureau of Fire Protection nitong Lunes, Enero 8, sumiklab ang sunog sa roof deck ng Altaire Tower bandang 10:35 ng umaga.

Itinaas sa unang alarma ang sunog at idineklarang under control pagsapit ng 10:56 ng umaga, at fire out ng 11:37 ng umaga.

Inaalam pa ng mga awtoridad ang sanhi ng sunog. RNT/JGC

Previous articleSecurity measures paiigtingin ng MIAA sa P11.4M shabu sa NAIA
Next articleSuhulan sa mga LGU kapalit ng pirma sa Cha-Cha petition, kinondena sa Senado