Home NATIONWIDE Suhulan sa mga LGU kapalit ng pirma sa Cha-Cha petition, kinondena sa...

Suhulan sa mga LGU kapalit ng pirma sa Cha-Cha petition, kinondena sa Senado

MANILA, Philippines – Kinondena ng ilang senador ang umiinit na isyu sa suhulan o bribery sa local government units (LGUs) upang kumalap ng lagda para sa petisyon sa Charter Change.

Magkahiwalay na pinalagan nina Senador Jinggoy Estrada at Imee Marcos ang bribery issue sa pagsusulong ng charter change na tila sinimulan sa Mababang Kapulungan.

Magpinsan sina Marcos at Speaker Martin Romualdez na hinihinalang nagsusulong ng pagbabago sa Saligang Batas.

Sinabi ni Marcos, kanyang kinokondena ang sinuman na mamimigay ng pera kapalit ng lagda sa peoples’ initiative.

“Our Constitution is not for sale. We denounce those allegedly bribing districts, LGUs and potential signatories openly and shamelessly to agree to a people’s initiative,” aniya.

Natuklasan ng ilang oposisyon sa House of Representatives na may impormasyon silang natanggap hinggil sa ilang alkalde na namimigay ng tig-P100 kada tao kapalit ng paglagda sa people’s initiative.

Inilawaran naman ni Estrada ang pagkilos bilang “unethical and illegal”, sa pagsasabing: “clearly violates our laws and undermines the democratic process.”

“The people’s initiative is a constitutional right that should be exercised freely and without coercion. Whoever is behind this sinister move to tinker with the 1987 Constitution should be investigated and prosecuted for engaging in such unlawful activity. The people’s trust in the democratic process must be protected and preserved,” ayon kay Estrada sa hiwalay na pahayag.

Ibinulgar ni Albay Rep. Edcel Lagman na ilang alkalde sa kanyang lalawigan ang nagpupulong hinggil sa pagbabago sa Saligang Batas sa pamamagitan ng people’s initiative at nabigyan sila ng pondo upang gamitin sa pagkalap na lagda sa nasasakupan. Ernie Reyes

Previous articleRoof deck ng high-rise building sa Makati, nasunog!
Next articleDEBOSYON SA POONG NAZARENO