Home NATIONWIDE Roque, ‘di pa nakalabas ng Pinas

Roque, ‘di pa nakalabas ng Pinas

160
0
(Cesar Morales | Remate File Photo)

IPINAHAYAG ng Bureau of Immigration (BI) na wala silang namonitor hinggil sa anumang paglalakbay kamakailan ni dating presidential spokesperson Harry Roque, na nahaharap sa arrest order na inilabas ng House of Representatives.

Ayon kay BI spokesperson Dana Sandoval, sa ngayon umano ay wala silang nakitang rekord na anumang klase ng paglalakbay o pagbiyahe ni Roque sa labas ng bansa.

Si Roque ay na-contempt at iniutos na ikulong ng QuadComm ng Kamara de Representantes noong Setyembre 13 matapos tumangging magsumite ng mga dokumentong magpapaliwanag sa kanyang tumaas na yaman.

Ginawa ng QuadComm ang hakbang matapos na unang pumayag si Roque na magsumite ng mga dokumento na magpapaliwanag sa pagtaas ng kanyang mga ari-arian sa ilalim ng Biancham Holdings and Trading ng kanyang pamilya mula P125,000 noong 2014, P3.125 milyon noong 2015 at P67.7 milyon noong 2018.

Bilang tugon, inakusahan ni Roque ang Kongreso ng “power tripping” kasunod ng contempt at arrest order na inilabas laban sa kanya dahil sa umano’y kaugnayan niya sa mga iligal na operasyon ng Philippine offshore gaming operators (POGO). Nanindigan din si Roque na hindi siya takas.

Nitong Miyerkules, sinabi ng Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) ng Philippine National Police na nahihirapan silang hanapin si Roque. Ngunit idinagdag ng PNP-CIDG na mayroon silang malakas na lead kung saan nila maaaring mahanap si Roque. Jay Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here