Manila, Philippines- At the rate things are going for them, iisipin ninuman na pormal nang inaayos ni Rufa Mae Quinto at ng asawang si Trevor Magallanes ang kanilang paghihiwalay.
lisipin ngang gusto na ng parehong partido na ipa-annul ang kanilang kasal o magdiborsyo.
Pero sa guesting ni Rufa Mae sa Fast Talk with Boy Abunda nitong January 17, nilinaw niyang wala silang inaayos na diborsyo.
Hinahawakan pa rin ng sexy comedienne ang pag-asang isang araw ay magkakaayos din sila.
Aminadong mahirap ang kanyang pinagdadaanan lalo’t hinahanap ng kanilang nag-lisang anak na si Athena ang ama nito.
Lagi raw kasi siyang tinatanong ng anak na: “When will our family be together?”
Nahihirapan daw sagutin ni Rufa Mae ang tanong.
Inamin ni Rufa Mae ang malaking kaibahan nila ni Trevor.
Palibhasa’y hindi showbiz, napakapribadong tao raw nito.
Pero wala siyang maipupuntos laban sa mister kung pagiging asawa nito at ama kay Athena ang pag-uusapan.
But if worse comes to worst, masakit man daw sa kanyang kalooban ay tatanggapin niya kung ano ang mangyayari sa kanila ni Trevor.
But as far as she’s concerned: “Ayoko muna ‘yang file-file na ‘yan ng annulment!”
Tila ayaw ng komedyana na magpadalus-dalos sa kanyang desisyon lest she’ll regret it.
“Magna-nine years na rin kami. Pero kung anuman ang magiging desisyon niya, rerespetuhin ko ‘yon.”
Sa bandang huli’y inamin ni Rufa Mae na mahal pa rin niya si Trevor.
Baka nga for now, Rufa Mae and her estranged husband just need time and space to think things through. Ronnie Carrasco III