California, USA – Kalat na sa social media ang screen shot ng palitan ng mga pribadong mensahe sa pagitan ni Rufa Mae Quinto at asawang si Trevor Magallanes.
Nabatid na legit ang exchange of messages na ‘yon ng couple.
Kung pagbabasehan ang tono ng mga mensahe nina Rufa Mae at Trevor sa isa’t isa, obyus na may kinakaharap silang matinding connubial problem o pangmag-asawa.
Tila malaking banta ito sa walong taong pagsasama ng dalawa na nagprodyus ng isang supling.
Bale ba, nitong December 6 ay may police report na kumalat sa social media.
Ito’y may kaugnayan sa pagkakaaresto sa isang Japanese national na Trevor Magallanes ang pangalan, edad 38.
Nahaharap ito sa kasong trespassing sa Honolulu, Hawaii.
Nitong mga nagdaang araw ay problematic naman ang naging kalagayan ni Rufa Mae.
Tulad ng dating aktres at negosyanteng si Neri Naig, dawit din sa syndicated estafa ang
Kapuso comedienne.
Kinuhang endorser lang naman si Rufa Mae para sa Dermacare.
Sa ngayon, inaalam pa kung ang inarestong si Trevor Magallanes and Rufa Mae’s husband are one and the same.
Matagal nang naka-base ang sexy comedienne sa US who comes home pag may mga showbiz offers sa kanya.
Maitatanong lang–ano naman kaya ang nature ng marital problem ng Magallanes couple?
Whatever it is, sana y maayos nila ito sa lalong madaling panahon. Ronnie Carrasco III