Home ENTERTAINMENT Sharon, tinawag na delulu ang mga Sha-Gab fans!

Sharon, tinawag na delulu ang mga Sha-Gab fans!

Manila, Philippines – Nagpasintabi na si Sharon Cuneta sa mga tagahanga nila ni Gabby Concepcion.

The Megastar sort of forewarned them na huwag mag-isip nang sobra pa kesa sa mga writers ng Star Cinema.

Sharon even collectively called them “mga members ng delulu na nagse-sepanx (separation anxiety).”

Sinadya niya kasing huwag munang ipost sa kanyang Instagram ang nakasulat sa background as featured on her Hawaii vlog.

Nakasulat kasi doon ang mga katagang: “I fell in love today!”

Kinunan pa raw niya ito ng picture, but she didn’t post it right away.

“Baka lagyan ng meaning!” aniya.

Tiyak daw kasing hahanapan ‘yon ng kakaibang kahulugan ng mga fans nila ni Gabby Concepcion.

Tulad nga ng alam ng lahat ay maayos na uli ang pakikitungo ng former showbiz couple sa isa’t isa.

Kaso, aware din si Sharon na may mga nag-illusyon pa ring babalik sa dati whatever transpired between them.

Imposible!

Ang lagay, isasakripisyo ni Sharon ang pagsasama nila ni Kiko Pangilinan.

That would be far from happening!

But just the same, willing namang sakyan ng Megastar ang trip ng mga Sha-Gab fans.

Pero hanggang doon na lang ‘yon…never will it become a reality! Ronnie Carrasco III