Home ENTERTAINMENT Rufa Mae, tinanong kay Jessa, nairita?

Rufa Mae, tinanong kay Jessa, nairita?

Manila, Philippines – Hindi maaaring ipagkanulo si Rufa Mae Quinto ng kanyang facial expression nang sumalang sa hot seat sa Sarap ‘Di Ba kung saan host si Carmina Villaroel.

Hindi naman talk o gossip show ang naturang Saturday morning show pero sa guesting ni Rufa Mae ay nag-iba ang format nito sa isang segment.

Inungkat kasi ni Carmina ang isyu tungkol kina Rufa Mae at Jessa Zaragosa.

Tinanong ng host ang kanyang guest kung nagkita na raw ba sila o nakapag-usap para ayusin ang kanilang problema.

“Hindi pa,” matipid munang tugon ni Rufa Mae.

Sa punto pa lang na ‘yon ay mahahalata nang hindi kumportable ang guest.

Pero idinaan lang ni P-Chi ‘yon sa pilit na tawa na may kasamang pagbibiro.

Aniya, wala naman daw dapat ayusin kaya hindi sila kailangang mag-usap ng misis ni Dingdong Avanzado.

“At saka ang tagal na noon! Move on na! May mga anak na nga kami eh…magiging lola na nga kami!” biro ni Rufa Mae.

Matatandaang 2008 nang magkaroon ng alitan sina Rufa Mae at Jessa dahil kay Dingdong.

Balitang magkasintahan noon sina Rufa Mae at Dingdong, at inagaw lang daw ni Jessa ito sa kanya.

Depensa naman ni Jessa, nagde-date lang daw noon sina Rufa Mae at Dingdong but they were never involved with each other.

Napagsalitaan pa nga ni Jessa si Rufa Mae na: “Sumosobra ka na, babae ka…sinungaling ka!”

May katwirang mairita si Rufa Mae dahil sabi nga niya: “binaon ko na ‘yon sa limot!”

Sa ngayon, kapwa na masaya sina Rufa Mae at Jessa sa kani-kanilang pamilya.

Oo nga naman, Sarap ‘Di Ba? peeps, past is past! Ronnie Carrasco IIi