Home ENTERTAINMENT Ruru, bet maka-collab si Coco!

Ruru, bet maka-collab si Coco!

Manila, Philippines – Hindi naging madali kay Ruru Madrid ang pinagdaanan niya bago pa man siya kinilalang mahusay na aktor.

Si Ruru ay tinanghal na best supporting actor sa pelikulang “Green Bones” na naging kalahok noon sa 2024 MMFF.

Ibinahagi rin niya ang kanyang humble beginnings sa panayam ni Ogie Diaz sa kanyang vlog.

Sa kanyang pagbabalik-tanaw, nagsimula raw siya noon sa pag-i-ekstra sa showbiz.

Naranasan din daw niya noon ang maarawan at maghintay sa shootings at tapings tulad ng mga ordinaryong bit player.

Ito raw ang dahilan kaya malapit ang loob niya sa mga maliliit na manggagawa sa industriya dahil dama niya ang mga dinaranas ng mga ito.

Kaya naman kung meron daw siyang kakayahan ay gusto niyang protektahan din ang mga ito.

Inamin din niya na dumating siya sa punto noon na gusto na niyang sukuan ang pag-aartista.

Nawalan daw siya ng gana noon dahil may mga pagkakataong naging mailap din sa kanya ang pagkakaroon ng mga proyekto.

Nang makilala raw niya ang nobyang si Bianca Umali, doon daw siya muling ginanahan.

Ito raw ang naging inspirasyon niya para muling magsipag sa kanyang trabaho.

Biggest break daw niya ang seryeng “Lolong” pero noong pandemic ay inabot daw ito ng sangkatutak na aberya.

Nahinto raw ang shooting nila dahil nga sa paglaganap ng COVID 19.

May pagkakataon din daw na nagkakaroon siya ng injury noong kinukunan ang fight scenes niya sa nasabing serye.

Dahil daw sa setbacks, may ilan daw na taga-produksyon na minenos ang kanyang kakayahan.

Katunayan, sinabihan pa raw siya noon na ‘jinx’ dahil na-delay ang proyekto.

Anyway, naging boost naman daw sa kanya na pagkatapos na mag-pilot ito ay sumipa ito sa rating kung saan pinataob pa nito ang kalaban.

Kaya raw naman ginagawa raw niya ang lahat para mapaganda ang kanyang mga proyekto.

Dinidibdib daw talaga niya pati na ang mga pagsasanay niya sa fight scenes bago pa man siya sumabak sa actual na shoot.

Tungkol naman sa pagtatapat sa kanila ni Coco, ayaw daw niyang isiping kumpetisyon ang lahat.

Idol daw niya si Coco lalo pa’t bata pa lamang siya ay pinanonood na niya at ng kanyang ina ang mga serye na kinatatampukan ng aktor.

Of course, dream din daw niyang makasama ang “FPJ’s Batang Quiapo” star kung bibigyan sila ng pagkakataong makapag-collab. Archie Liao