Manila, Philippines – Sa vlog interview ni Ogie Diaz nilinaw ni Ruru Madrid ang isyung may sama ng loob siya kina Cristine Reyes at Sue Ramirez.
May kinalaman ito sa naging reaksyon ng dalawang aktres na nag-present ng award para sa Best Supporting Actor category sa Gabi ng Parangal ng MMFF 2024.
Marami kasi ang nakapansin na nagulat si Cristine nang si Ruru ang nanalo.
Samantala, kapansin-pansing ding nalungkot si Sue.
Sina Cristine at Sue ay kasama sa cast ng The Kingdom, kung saan nominado ang co-star nilang si Sid Lucero.
Nominado rin si Sid sa nasabing kategorya para sa pelikulang Topakk.
Bale ba, nadinig pa ang sinabi ni Cristine on mic na dapat ay si Sid ang nanalo over Ruru sa entry na Green Bones.
Pero ayon mismo sa panayam ni Ogie kay Ruru, nauunawaan naman daw ng aktor ang naging reaksyon ng dalawang actress-presentors.
Sa dalawang pelikula nga naman nominated si Sid.
Ani Ruru, wala siyang sama ng loob kina Cristine at Sue.
Kung siya nga naman daw na nominado’y hindi ine-expect ang kanyang pagkapanalo.
Natural lang daw that Cristine and Sue were rooting for Sid dahil nakasama nila ito sa Vic Sotto movie.
In short, hindi ‘yon big deal.
Ewan nga lang kung ano ang take doon ng nobya ni Ruru na si Bianca Umali. Ronnie Carrasco III