Home HOME BANNER STORY Cashless toll collection, suspendido!

Cashless toll collection, suspendido!

MANILA, Philippines – Inatasan ni newly-appointed Transportation Secretary Vince Dizon ang Toll Regulatory Board (TRB) na suspindihin ang cashless collection ng toll fees.

Inilarawan ni Dizon ang sistema bilang “anti-poor.”

Ang implementasyon ng polisiya sa cashless transactions ay magsisimula sana sa Marso 15.

Dahil dito, ang mga motorista na walang Electronic Toll Collection o Radio Frequency Identification (RFID) stickers sa mga sasakyan ay papayagang pumasok sa toll plaza para magpalagay.

Sa kabila nito, iisyuhan sila ng Temporary Operator’s Permits o Show-Cause Orders sa paglabag sa ‘No Valid ETC Device, No Entry’ Policy’, ayon sa TRB noong nakaraang linggo.

Ang mga may sticker naman ay dapat na mag-load sa kanilang virtual wallets upang masiguro na may sapat silang balanse para makapagbayad sa mga expressway.

Matatandaan na ang polisiya ay nauna nang sinuspinde noong Setyembre dahil sa technical issues at magbigay ng oras sa publiko na masanay sa contactless payment. RNT/JGC