Home ENTERTAINMENT Ryan, tinanggihan ang K drama sa Korea, inokray!ENTERTAINMENTSHOWBIZTOP STORIES Ryan, tinanggihan ang K drama sa Korea, inokray!August 10, 2024 12:45 FacebookTwitterPinterestWhatsApp Manila, Philippines – Sa isang panayam, sinabi ni Ryan Bang na marami raw siyang offers na proyekto sa South Korea.Katunayan sa isang K drama sa South Korea, dapat daw ay kasama siya sa cast pero tinanggihan niya ang role na inialok sa kanya.Tinurn down daw niya ang offer dahil hindi maganda ang imahe na gustong ipakita ng proyekto tungkol sa Pilipinas.Ito raw ay kahit magandang opportunity pa para mas makilala pa siyang mabuti.Gayunpaman, kung may mag-o-offer daw naman sa kanya na kaaya-aya ang imahe ng bansa, magye-yes daw siya sa project.Sa kanyang naging pahayag sa panayam ni Sandra Jung, umani naman siya ng samu’t-saring reaksyon.May mga nagmamaldita na nang-okray pa sa kakayahan niya bilang actor.Ito ang ilan sa kanilang mga komento.“Choosy pa si Kuya eh, di naman siya marunong umarte.”” Teka, saan ko ba siya huling napanood. Paki-remind nga ako.”“Ayusin muna niya ang pagtatagalog niya. Dyusme.”“Actually, di ako natatawa sa pagko-comedy niya.”“Feeling big star si Kuya.”“Bilib naman ako kay Ryan, nationalistic. Sana all.”“Iyan ang dapat tularan. Dugong Koreano pero pusong Pinoy.”“Award-winning ba siya?”“Kaya nga nasa Pinas siya, waley siyang career sa Korea.” Archie Liao