Home NATIONWIDE S. Korean passenger ship sinagip ng Navy sa Ilocos Norte

S. Korean passenger ship sinagip ng Navy sa Ilocos Norte

MANILA, Philippines — Matagumpay na sinagip ng Philippine Navy ang isang South Korean passenger vessel, Udosarang 1, at ang siyam na Filipino crew nito matapos makaranas ng mechanical malfunction sa karagatan ng Burgos, Ilocos Norte noong Miyerkules ng umaga.

Ayon sa Naval Forces Northern Luzon (NFNL), nagpadala ng emergency alert ang barko bandang 9 a.m., na agad namang namonitor ng Maritime Situation Awareness Center – North (MSAC-N) at Naval Monitoring Detachment Pasuquin (NMD Pasuquin).

Agad ipinadala ang BRP Nestor Reinoso (PC380) upang tumugon sa insidente. Matapos makipag-ugnayan sa barko, ineskortahan ito patungong Sual, Pangasinan, kung saan ligtas nitong maisasagawa ang kinakailangang pagkukumpuni.

Ligtas at walang naging ibang problema ang siyam na Filipino crew members ng Udosarang 1, ayon sa NFNL. Santi Celario