Home ENTERTAINMENT Sa kabila ng banta: Robi, excited sa PGT7!

Sa kabila ng banta: Robi, excited sa PGT7!

Manila, Philippines – Kinumpirma ng ABS-CBN na handang-handa na ang network sa pagbabalik ng Pilipinas Got Talent (PGT) Season 7.

Sa pagbabalik ng reality-search contest ay kasama na sina Robi Domingo at Melai Cantiveros bilang mga hosts.

Bilang mga judges ng programa, magsasama for the first time sina Kathryn Bernardo at Donny Pangilinan at ang bubuo ng apat na judges ay sina Eugene Domingo at Freddie “FMG” Garcia, na dating president ng ABS-CBN  mula 1997 hanggang 2003.

Excited na nag-post si Robi sa IG ng mga larawan at video kuha sa photo shoot at taping ng Pilipinas Got Talent (PGT) Season 7.

Proud si Robi sa pagsasama nina Kathryn at Donny at masaya niyang ibinahagi ang behind-the-scene photos at video.

Isang karangalan para sa kanya na maging bahagi ng PGT, na dati ay pinapanood lang niya.

Nakasaad sa caption ni Robi, “From being a fan to now being part of this legendary show—what a dream come true!

“Honored to be here alongside an amazing team. Pilipinas, let’s celebrate talent like never before. The stage is set!”

Ang excitement ni Robi ang dahilan para i-bash siya ng mga fans ni Belle Mariano, kalabtim ni Donny.

Sa comments section ng post ni Robi, isang netizen ang nagkomento na may tonong pagbabanta sa TV host.

Kung saka-sakali man daw na pagtambalin sina Kathryn at Donny sa show, sisiguraduhin daw ng netizen na maba-bash nang husto si Robi ng mga tagahanga ng DonBelle—ang bansag sa love team nina Donny at Belle.

Sabi ng basher kay Robi, “@iamrobidomingo ay subukan mo lang na i-match si @donny at @bernardokath ready’ng- ready ang solid supporters ni Belle Mariano na ibash ka mula ulo mo hanggang paa. WAG MO ITOLERATE yung KA LANDIAN ng peste mong kaibigan,” na ang tinutukoy ay ang Asia’s Superstar.

Napansin ni Robi ang pagbabanta sa komentong ito kaya’t agad-agad din niya itong sinagot at tila nagbabanta ng demanda sa nasabing basher.

Ani Robi, “Can I consider this as a threat? Can I take legal actions against this? I don’t tolerate this behavior.”

Kaya naman usap-usapan agad sa online ang posibleng pagpapareha kina Kathryn at Donny sa mga paparating na show ng Kapamilya matapos silang ipakilala bilang mga bagong judges ng PGT.

Matatandaang umugong ang tsismis noon ang napabalitang panliligaw diumano ng aktor kay Kathryn matapos maghiwalay ang aktres at ang long-time boyfriend nitong si Daniel Padilla.

Matatandaang sinabi rin ni Donny sa panayam na si Kathryn ang gusto niyang makasama kaya’t iknabahala ito ng fans ni Belle.

Kaya naman naaalarma  ang DonBelle supporters na kung saka-sakaling ipareha si Donny kay Kathryn, paano na ang ka-love team nitong si Belle?

Pero ayon naman sa bulung-bulungan, baka ipares daw si Belle kay Robbie Jaworski, na winelkam  na bagong talent sa Star Magic late last year.

Tahimik ang kampo ng Star Magic tungkol sa ispekulasyong magkakaroon ng mga pagbabago sa mga Kapamilya love teams this 2025, gaya ng Kathryn-Donny o Belle-Robie.

Of late naman ay nagpunta na sa NBI si Robi para idulog ang threat na natanggap niya sa basher. Ador Saluta