Home NATIONWIDE Sa ngayon: Walang balasahan sa gabinete – Malakanyang

Sa ngayon: Walang balasahan sa gabinete – Malakanyang

112
0

MANILA, Philippines – Sinabi ng Malakanyang na sa ngayon ay walang magaganap na balasahan sa miyembro ng Gabinete ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Ang katuwiran ni Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro, nananatili pa rin kasi ang tiwala at kumpiyansa ng Pangulo sa lahat ng pinuno ng mga departamento.

“Hindi pa po naipapaabot sa atin kung mayroon sa ngayon,” ayon kay Castro.

Sa ulat, isa ang grupong MANIBELA na hayagang nananawagan sa pagbibitiw sa puwesto ni Energy Secretary Sharon Garin dahil sa nakalipas na pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo ay tila pinapanigan pa ng Kalihim ang mga malalaking kompanya ng langis kumpara sa mga tsuper at mga mamamayan.

Tikom naman ang bibig ni Garin sa panawagan ng grupong MANIBELA.

Samantala, ang tugon naman ni Castro rito ginagawa naman ni Garin ang kanyang trabaho. (KRIS JOSE)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here