Home NATIONWIDE Sa tindi ng init, sunog sumiklab sa isang pabrika

Sa tindi ng init, sunog sumiklab sa isang pabrika

MANILA, Philippines – Isang pabrika ang natupok ng apoy na umabot sa 3rd alarm sa Kahabaan ng Governors Drive, Brgy Paliparan 1, Dasmariñas City, Cavite.

Ayon sa nakalap mula sa Bureau of Fire Protection (BFP), dakong 1:58 kamakalawa ng madaling araw nang nagsimulang masunog ang Techno Park na naka-base sa nasabing lugar.

Mabilis namang rumesponde ang mga fire unit na kalapit lungsod at bayan dito.

Batay Kay FCINSP FRANCIA D. EMBALSADO, itinaas ang 1st alarm status bandang 2:11 ng madaling araw at itinaas sa ikalawang alarma matapos ang ilang minuto.

Umabot pa ito sa ikatlong alarma bandang 3:14 ng umaga.

Kasalukuyang pa ang ginagawang imbestigasyon ni PMAJ HENRY P VILLAGONZALO JR sa posibleng pinagmulan at kung magkanong halaga ang naging pinsala sa naturang insidente.

Umaabot sa 7,500 square meters na ari-arian ang naapektuhan at wala namang iniulat na nasaktan sa nasabing sunog, ayon sa BFP. MARGIE BAUTISTA