Home NATIONWIDE Safety review ipinatupad sa NAIA matapos ang deadly accident

Safety review ipinatupad sa NAIA matapos ang deadly accident

MANILA, Philippines – Mabilisang safety review ang isinagawa ng Department of Transportation (DOTr) sa lahat ng pangunahing paliparan matapos ang trahedyang naganap noong Linggo kung saan isang SUV ang bumangga sa drop-off area ng NAIA Terminal 1, na ikinasawi ng dalawang katao, kabilang ang isang bata.

Personal na ininspeksyon ni DOTr Secretary Vince Dizon ang Terminal 1 noong Mayo 9. Kabilang sa mga agarang hakbang ang pagpapatupad ng parallel drop-off system sa Terminals 1 at 2 upang mapabuti ang trapiko at kaligtasan ng mga pasahero.

Isa sa mga pangunahing tinitingnan ay ang kondisyon ng mga bollards o harang na dapat pumigil sa mga sasakyang makapasok sa pedestrian area. Giit ni Dizon, dapat sumunod ang mga ito sa international safety standards. Kasalukuyang iniinspeksyon ang mga bollards sa Mactan, Clark, at NAIA.

Inatasan na rin ng DOTr ang mga pribadong operator ng paliparan na magsagawa ng independent engineering audit. Pinaigting din ang pagpapalit ng mga di-akmang safety features. Isasapubliko ang resulta ng mga imbestigasyon para sa transparency. RNT