Home OPINION SAKIT SA BATO AT PUTOL NA BINTI’T BRASO

SAKIT SA BATO AT PUTOL NA BINTI’T BRASO

MAIMADYIN ba ninyo, mga Brad , kung paano mabuhay nang walang mga binti at braso?

Nangyari it okay kay Lucinda Mullins, 41, ng Kentucky, United States at kalalabas lang ng ospital para sa bahay na lang ito magpagaling.

Unang nagkaroon si Mullins ng malalang sakit sa bato.

Hindi umubra ang pagpapadoktor nito at sa huli, sinabihan siyang tumitindi na ang kanyang sakit sa bato at anomang araw, maging ‘septi’c na siya na sa ordinaryong salita, maaaring malalason na siya sa sarili nitong dugo.

Galing sa salitang sepsis ang septic na nangangahulugang nagkakaroon ng overreaction o labis-labis na paglalabas ng immune system natin ng kemikal sa ating sakit hanggang sa masira na rin ang mga baga, atay at iba pang panloob na bahagi ng katawan natin.

At ang kasunod nito?

Makapagdarasal ka pa naman, pero kung walang magaganap na milagro, si Lord na ang bahala sa iyo.

Pero hindi ka basta mailalabas ng punerarya sa ospital hangga’t hindi mo nababayaran ang hospital bill mo o kinikilala ang promissory note mo..

Pero itong si Mullins, tuwang-tuwa pa rin na nakita ang sarili na walang braso at hita dahil, unang-una, naligtas siya sa kamatayan.

Sabi pa, marami ang pagkakataon na makapiling niya ang kanyang asawa at mga anak.

Maliit na halaga, para sa kanya, ang mawalan ng barso at hita kapalit ng kasiyahan niyang buhay at makapiling ang kanyang pamilya.

Ang totoo, nakayayanig sa buhay, higit pa sa yanig ng pinakamalakas na lindol, ang ganitong mga pangyayari.

Dito, maaaring aabot ng isang taon o higit pa bago gumaling ang sugat nang pinagputulan at malagyan ka ng mga artipisyal na mga kamay at binti.

At pinakaswerte kang nilalang kung may buong pusong miyembro ng pamilya mo na mag-aalaga at aalalay sa iyo sa mga susunod na araw, buwan at taon.