Home ENTERTAINMENT Sam, aminadong favorite ang cookie ni Rhian!

Sam, aminadong favorite ang cookie ni Rhian!

Manila, Philippines- Off air muna ang Dear SV ni Sam Verzosa dahil sa kanyang mayoral bid sa Manila.

In the meantime, ang kapalit nito’y ang Where In Manila ng nobyang si Rhian Ramos.

Food trip ang format ng show na ito where Rhian gets to explore what pleases her palate.

Hindi nga lang sure si Sam kung babalik pa ang kanyang show.

Depende raw ‘yon sa kalalabasan ng eleksyon, that is, kung papalarin siya.

Pero aminado si Sam na gagamitin niya ang programa ng nobya.

At least, it’s his girlfriend’s show he will take advantage of–hindi mismo ang drawing power o popularity ni Rhian.

Samantala, sa usapin naman ng “pagbibilad” ng katawan ni Rhian while baking ay wala raw epekto ito sa kandidatura ni Sam.

Nakilala naman daw niya si Rhian sa ganoong imahe.

Asked kung ano ang lafang na pinakanagustuhan niyang ipinatikim ng nobya ay may pagka-naughty ang sagot ni Sam.

”Yung cookie niya!”

As in Rhian’s baked masterpiece, huh! Ronnie Carrasco III