Home ENTERTAINMENT Sam, tanggap na ang pagkatalo, kinongratuleyt si Isko!

Sam, tanggap na ang pagkatalo, kinongratuleyt si Isko!

Manila, Philippines- This sums up the stance of defeated mayoral bet Sam Versoza.

A businessman and TV host, tumakbong mayor ng lungsod ng Maynila si Sam.

Si Sam ay ang nobyo ng Kapuso actress na si Rhian Ramos.

Sam ranked third in the mayoral race kung saan nanguna si Isko Moreno followed by Honey Lacuna.

Hours after the voting nitong May 12, Sam took to Facebook his thoughts about his political journey.

“Mga mahal kong Manilenyo,” simula ni Sam who was man enough to concede to Isko.

Bigo mang makamit ang inasam na puwesto, nagpasalamat si SV sa “mga naniwala, sumuporta at nakipaglaban sa pagbabago.”

He considers running for mayor his biggest challenge by far.

Batid din daw ng negosyante ang pagmamahal na iniukol sa kanya ng mga taga-Maynila sa kanilang kaway, yakap, hallk at tapik sa kanyang balikat.

Hindi raw ngayon at natalo siya’y nagtapos na rin ang kanyang adbokasiya.

Sa bandang huli’y kinongratyuleyt niya si Isko, sabay umaasa sa tapat at mapagkawanggawang liderato nito.

Hindi pa ba dagdag pogi points ‘yan sa husband-to-be ni Rhian? Ronnie Carrasco III