Home METRO San Juan City, nag-upgrade ng radio, rescue boats para sa emergency response

San Juan City, nag-upgrade ng radio, rescue boats para sa emergency response

292
0

SAN JUAN CITY, Philippines – Pinangunahan ni Mayor Francis Zamora ang opisyal na turnover ng bagong radio communication equipment sa mga pangunahing departamento at frontline units ng lungsod ngayong umaga sa San Juan City Hall.

Layunin nito na mas mapabuti ang koordinasyon sa peace and order at emergency response.

Ang bagong radio system ay magbibigay ng mas mabilis, malinaw, at maaasahang komunikasyon sa City Government Response Cluster, pati na rin sa mga opisina ng pampublikong kaligtasan, emergency response, disaster risk reduction, at health services.

Ani Mayor Zamora, “Mas mabilis na makakapag-ugnayan ang ating mga responders lalo na sa oras ng emergency. Halimbawa, kung may sunog, maaari silang direktang makipag-communicate gamit ang radio kaysa umasa lang sa cellphone. Mas mabilis na tugon, mas maayos na koordinasyon, at mas ligtas na resulta para sa ating mga residente.”

Binigyang-diin din niya na ang proyekto ay bahagi ng pagpapatatag ng peace and order sa lungsod.

“San Juan City ang lungsod na may pinakamababang bilang ng krimen sa Metro Manila at ang tanging drug-cleared city sa NCR. Upang mapanatili ang tagumpay na ito, mahalaga ang patuloy na pamumuhunan sa mga sistema na sumusuporta sa ating responders. Ang matibay at maaasahang komunikasyon ay susi sa kapayapaan at kaligtasan ng publiko.”

Mga equipment na ipinamahagi:

A. Base Radio System – 14 units na naka-install sa Central Emergency and Disaster Operations Center (CEDOC) at iba pang key command locations para sa dispatch at secure communication sa field units.

B. Portable Radio System – 123 handheld radios: 75 para sa field personnel at 48 para sa team leaders at supervisors.
C. Radio Repeater System – 3 units na naka-install sa strategic locations upang mapalawak ang coverage at masiguro ang malinaw na komunikasyon sa buong lungsod.

Mga opisina at grupo na nakatanggap:

–Office of the City Mayor

–Philippine National Police – San Juan City

–Bureau of Fire Protection – San Juan City

–Central Emergency and Disaster Operations Center

–City Disaster Risk Reduction and Management Department

–San Juan Medical Center

–City Environment and Natural Resources Office

–General Services Department

–City Engineering Department

–Traffic and Parking Management Office

–Public Order and Safety Office – Task Force Disiplina

–City Social Welfare and Development Department

–City Health Department

–Barangay Operations Center / 21 Barangays

Ang bagong radio system ay nagpapalakas ng koordinasyon at interoperability ng City Response Cluster, kapwa sa pang-araw-araw na operasyon at sa emergencies.

Kasabay ng turnover, nagbigay din si DILG City Director Adrian Lopez ng 7 rescue boats kay Mayor Zamora bilang pagkilala sa San Juan City bilang Seal of Good Local Governance (SGLG) Awardee para sa 2024.

Ang bawat rescue boat ay may bigat na 150 kg at kayang magdala ng hanggang 1,000 kg. May kasamang dalawang paddles, high-powered 21,000-lumen rescue flashlight, at boat trailer para mas madaling dalhin sa lugar ng emergency.

Ang pagsasama ng radio equipment at rescue boats ay patunay ng patuloy na dedikasyon ng San Juan City Government sa public safety, emergency preparedness, at mahusay na pamamahala. DANNY QUERUBIN

   

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here