Home METRO Ultra-processed food ngayong Kapaskuhan ibinabala ng DOH

Ultra-processed food ngayong Kapaskuhan ibinabala ng DOH

307
0

MANILA, Philippines – Pinag-iingat ng Department of Health (DOH) ang publiko sa labis na pagkain ng  ultra-processed food na karaniwang inihahanda tuwing Pasko at Bagong Taon.

Babala ng Kagawaran, may mataas na preservatives ang pagkaing sobrang pinroseso tulad ng asin at asukal na maaring magdulot ng  masamang epekto sa kalusugan kapag labis na nakonsumo.

Bilang gabay para sa mas ligtas at masustansiyang handaan, nagmungkahi ang National Nutrition Council ng mas healthy food choices ngayong holiday season.

Hinikayat ng DOH ang publiko na maging maingat sa pagpili ng pagkain upang mapanatili ang kalusugan ng buong pamilya ngayong Kapaskuhan at pagpasok ng Bagong Taon.

Nauna na ring nagbabala ang isang grupo ng mga doktor na kontrolin ang masasarap na pagkain at hangga’t maari ay sundin ang ‘Pinggang Pinoy’ na naglalaman lamang ng tamang sukat o dami ng masustansyang mga pagkain. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here