Home METRO San Juan namahagi ng Emergency Go Bags sa 45,000 pamilya

San Juan namahagi ng Emergency Go Bags sa 45,000 pamilya

3
0

MANILA, Philippines – Pormal na inilunsad ng San Juan City Government, sa pangunguna ni Mayor Francis Zamora, ang pamamahagi ng Emergency Go Bags sa 45,000 kabahayan sa lungsod ngayong Agosto 12, 2026 sa San Juan City Hall Atrium bilang bahagi ng pagpapalakas ng paghahanda ng bawat pamilya sa sakuna at emergency.

Nagsimula ang programa sa ceremonial turnover ng Go Bags sa 21 barangay captain ng San Juan, kasunod ang unang pamamahagi sa mga kabahayan sa District 1. Ang pamamahagi sa District 2 ay isasagawa sa Agosto 13, 2026.

Bawat Emergency Go Bag ay naglalaman ng mahahalagang gamit tulad ng safety helmet, first aid kit, rechargeable flashlight, power bank, raincoat o rain poncho, thermal blanket, KN95 masks, isopropyl alcohol, emergency handbook, whistle, glow stick, gauze pad, elastic bandage, T-bandage, povidone-iodine, band-aid, medical micropore paper tape, alcohol pad, trauma shear, at cotton balls.

Layunin ng lungsod na mabigyan ang lahat ng 45,000 kabahayan ng Go Bags sa pamamagitan ng apat na yugto ng pamamahagi—tatlong yugto sa 2026 at ang huling yugto sa 2027.

Bahagi ang programang ito ng komprehensibong disaster preparedness program ng San Juan, upang matiyak na may agarang magagamit na mga pangunahing gamit sa kaligtasan at first aid ang mga pamilya kapag may sakuna o emergency. DANNY QUERUBIN

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here