Paris, France – Sandara Park–who has proven herself to be Pinay at heart–knows too well how to address an embarassing question.
Naging usap-usapan kasi ang kanyang “sexy” outfit na isinuot niya sa Paris, France.
Sexy in the sense na ang prints ng kanyang kasuotan ay nagpapakita ng iba’t ibang posisyon sa pakikipagtalik.
Yes, itsura ng Kamasutra!
Kaya naman ikinaintriga ito ng mga netizens, prompting one of them to ask: “Ati (sic), ano diyan ang favorite position mo?”
Sa halip na mag-single out ang Korean pop star at tinaguriang Pambansang Krung-krung, true to her monicker ay idinaan ni Sandara ang kanyang sagot the “krung-krung” way.
Aniya: “Fave position ko? All of the above!”
Sapat na ‘yon para kaaliwan siya ng mga netizens if only for her wit and candor.
Matatandaang lumikha ng pangalan si Sandara nang sumali sa Star Circle Quest noong 2004.
Kasabayan niya noon sina Joross Gamboa, Roxanne Guinoo, Melissa Ricks, Hero Angeles at iba pa.
Whenever she gets the chance, Sandara visits the Philippines to relive her memories.
Kapuri-puri ring na-imbibe na rin niya ang Pinoy culture tulad ng pagkain, kaugalian, lengguwahe at marami pang iba. Ronnie Carrasco III