Home NATIONWIDE Shear line, Amihan magpapaulan sa ilang bahagi ng Luzon

Shear line, Amihan magpapaulan sa ilang bahagi ng Luzon

MANILA, Philippines- Makaaapekto ang northeast monsoon (amihan) sa Northern Luzon habang maaapektuhan naman ng shear line ang eastern section ng Central Luzon ngayong Miyerkules, ayon sa PAGASA.

Magiging maulap ang kalangitan sa mainland Cagayan, Isabela, Aurora, at Northern Quezon na sasabayan ng kalat na pag-ulan dahil sa shear line.

Inaasahan naman sa Batanes at Babuyan Islands ang maulap na kalangitan at pag-ulan dahil sa Northeast Monsoon.

Makararanas naman ang Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, at natitirang bahagi ng Cagayan Valley ng “partly cloudy to cloudy skies with isolated light rain” dahil sa Northeast Monsoon.

Sa Metro Manila at natitirang bahagi ng bansa, magkakaroon ng “partly cloudy to cloudy skies with isolated rain showers or thunderstorms” dahil sa localized thunderstorms.

Ang wind speed forecast para sa Northern Luzon ay moderate to strong patungong northeast to east direction habang ang coastal waters ay magiging moderate to rough.

Magkakaroon naman sa natitirang bahagi ng bansa ng light to moderate wind speed patungong northeast to east direction at slight to moderate coastal waters.

Sumikat ang araw kaninang alas-5:49 ng umaga at lulubog mamayang alas-5:31 ng hapon. RNT/SA

Previous articlePINAS DAPAT MAKISABAY SA NUCLEAR ENERGY
Next articleLotto Draw Result as of | October 24, 2023