Home ENTERTAINMENT Sharon, aminadong mami-miss si Gabby!

Sharon, aminadong mami-miss si Gabby!

California, USA – Beyond words kung ilalarawan kung gaano katagumpay ang Dear Heart concert ng ex-couple na sina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion sa Amerika.

Ang mga kinilig na fans ang patunay na after 43 years ay hindi sila bumibitaw sa tambalang sumikat noong dekada otsenta.

Mismong si Gabby na rin ang umamin on stage na: “We’ve become closer than ever!”

Partikular na tinukoy ng aktor ang kanilang US tour.

Magugunitang nagkaroon ng isyu after the former couple staged their Dear Heart concert in the country.

Inakala ng marami na dahil sa tampo ni Sharon kay Gabby ay hindi na masusundan ang muli nilang pagsasama.

Nagtampo man ang Megastar ay hindi mababakas ‘yon as she delivered her spiels.

On mic, sabi ng singer-actress: “We have two more shows left but I must confess I’ll miss singing with you!”

Lalo pang kinilig ang mga fans as Sharon took a trip down memory lane.

Sey nito: “I thought when I lost you, I lost all of them.”

Binigyan naman siya ng assurance ni Gabby: “Don’t worry…I’ll always be here for you!”

At saka nila kinanta ang awitin ni Barry Manilow na Even Now.

Yes, it brought the house down!

Success! Ronnie Carrasco III