Home HOME BANNER STORY Bakbakan sa 1st Remate Open Championships nagsimula na

Bakbakan sa 1st Remate Open Championships nagsimula na

BOWLING - Pinangunahan ni Remate Bowlers Club/Manila Tenpin Bowlers Association President Benny Antiporda ang pagbubukas ng 1st REMATE Open Championship na ginaganap sa PLAYDUIM BOWLING CENTER sa Quezon City mula Nov. 30 -Dec.9 2024 na dinaluhan ng mga kasapi ng ibat ibang Bowlers Associations, kasama sina Steve Robles, President ng Philippines Senior Bowlers Association at Liza Zapanta ng Sta.Lucia East Tenpin Bowling Assciation. Layunin ng kumpetisyon na palakasing muli ang sports ng bowling sa buong bansa. CRISMON HERAMIS

MANILA, Philippines – Pormal na nagbukas ang 1st REMATE Open Championships sa Playdium Bowling Center sa Quezon City na tatagal mula November 30 hanggang December 9, 2024 na layuning muling palakasin ang sports na bowling sa bansa.

Pinangu nahan ni Remate Bowlers Club/Manila Tenpin Bowlers Association President Benny Antiporda ang pagbubukas ng prestihiyosong kumpetisyon kung saan binati nito ang mga espesyal na bisita at mga lumahok.

Nagsilbing inspirational speaker si Philippine Senior Bowlers Association President Steve Robles habang guest of honor si Santa Lucia East Tenpin Bowling Association President Liza Zapanta.

Pagkatapos ng awarding of token, sinimulan na nina Liza Zapanta, Steve Robles, Bea Claire Antiporda at Benjamine Antiporda ang ceremonial roll na hudyat ng pormal na pagsisimula ng kumpetisyon.

Maglalaban-laban ang iba’t ibang bowling associations na lumahok sa mixed open, classified masters, mixed senior classified masters, ladies master, at mixed novice masters.

Naglalakihang papremyo ang naghihintay sa magkakampeon sa bawat division at may nakalaan ding malalaking papremyo mula 1st runner up hanggang 7th runner up ng kada division.

Nakatakda ang finals ng Mixed Open sa December 8, 2024; Classified Open, December 6; Mixed Senior Open Masters, December 7; Mixed Senior Classified Masters, December 5; Ladies Master, December 8 at Mixed Novice Masters sa December 7.