Home NATIONWIDE Priority projects ng Marcos admin suportado ni Ejercito

Priority projects ng Marcos admin suportado ni Ejercito

MANILA, Philippines- Nangako si Senador Joseph Victor Ejercito na kanyang susuportahan ang lahat ng priority projects ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na nakatakdang pondohan sa 2025.

Inihayag ito ni Ejercito matapos magkaroon ng pulong ang Bicameral conference committee hinggil sa conflicting provisions ng panukalang P6.352-trillion 2025 national budget.

“We fully support President Ferdinand R. Marcos Jr.’s directive to prioritize funding for key projects, which were identified (as) critical to our country’s social and economic transformation,” ayon kay Ejercito.

“Rest assured that we are committed to continue working with the Marcos administration to see these priority projects through,” giit pa niya.

Aniya, nakahanay ang priority projects ng administrasyon sa kanyang adbokasiya tulad ng pagtatayo ng riles ng tren at paliparan kabilang ang health care.

“These have been long-standing dreams for the nation, as they promise to create jobs and opportunities, and improve the quality of life for our people,” ayon kay Ejercito.

Binanggit ni Ejercito ang ilang foreign-assisted priority projects, partikular ang railway projects, na pinondohan sa Senate budget version, at kasama ang government participation programmed funds upang matiyak na tuloy-tuloy ang implementasyon.

Pinapurihan din ni Ejercito ang pagtiyak ni Socioeconomic Planning Secretary Arsenio Balisacan na popondohan ang proyekto nang walang bagong buwis na itatakda na nagpapakita sa kahusayan ang usaping pananalapi ng administrasyon sa pagtugon na higit na kailangan ng mamamayan.

Naunang inatasan ng Pangulo ang economic managers na tiyakin na may pondo ang priority projects na makakakamit ng medium-term goals ng administrasyong sa susunod na taon. Ernie Reyes