MANILA, Philippines- Pinasalamatan ni Vice President Sara Duterte ang mga taong tumulong sa mga apektadong tauhan ng Office of the Vice President (OVP) sa gitna ng “ongoing crisis” na kinahaharap ng mga ito.
“The Office of the Vice President would like to express our deepest gratitude to all the lawyers, doctors, and other professionals who are helping the personnel affected by the ongoing crisis in the office,” ang sinabi ni VP Sara sa kanyang video message na naka-post sa Facebook.
“The legal documents are now with the lawyers, and the patients are under the expert care of healthcare personnel,” dagdag na pahayag ni VP Sara.
Ang OVP at Department of Education sa ilalim ni VP Sara ay paksa ng House inquiry kaugnay sa kanilang disbursement ng confidential funds.
Sa isinagawang pagdinig ng House Committee on Good Government and Public Accountability, ang dalawang OVP officials ay itinakbo sa ospital, ang kanyang chief-of-staff na si Zuleika Lopez at OVP special disbursement officer na si Gina Acosta.
Si Lopez ay inilipat sa Veterans Memorial Medical Center matapos na maging emosyonal kasunod ng naging kautusan ng Kongreso na ilipat siya sa Correctional Institution for Women sa gitna ng contempt order laban sa kanya.
Si Acosta naman ay itinakbo rin sa ospital habang inuurirat hinggil sa signatories sa mga resibo na ginamit para ipaliwanag ang disbursement ng P125 million confidential funds ng OVP noong 2022.
“All these back office support shall allow me and other personnel to focus on the OVP thanksgiving, year-end activities, office utilization review, and the calendar year 2025 planning,” ayon kay VP Sara.
“We assure the Filipino people that even in times of crisis and without resources, we shall stand tall, strong and resilient in our service to the Filipino people,” aniya pa rin sabay sabing, “We will not break.” Kris Jose