Home METRO P20.5M tobats nasabat sa Cebu City

P20.5M tobats nasabat sa Cebu City

MANILA, Philippines- Naaresto ng mga ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang mag-asawang sangkot sa illegal drug activities at nasabat ang hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P20.5 milyon sa Cebu City nitong Biyernes ng gabi.

Ayon sa pahayag nitong Sabado, nadakip ang mga suspek na sina Joana Gallado and at kanyang kinakasamang si Raymund Jorge, kapwa 33, sa buy-bust sa Barangay Tejero dakong alas-10:30 ng gabi.

Narekober ng mga awtoridad ang 16 pakete ng shabu na may bigat na tinatayang 3,020 gramo, at estimated market value na P20,536,000, kasama ang marked money at iba pang non-drug items.

Dinala ang mga nakalap na ebidensya sa Philippine National Police – Regional Forensic Unit (Central Visayas).

Kasalukuyan namang nakaditene ang mga suspek sa local PDEA facility at nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act. RNT/SA