Home NATIONWIDE Sandiganbayan aprub sa dagdag-testigo ni ex-Mayor Bistek sa kasong graft

Sandiganbayan aprub sa dagdag-testigo ni ex-Mayor Bistek sa kasong graft

MANILA, Philippiens – Pinayagan ng Sandiganbayan ang hirit ni dating Quezon City mayor Herbert “Bistek” Bautista na magprisinta ng mga dagdag na testigo sa kinakaharap na kasong katiwalian hinggil sa P32.21 million online occupational permitting and tracking system.

Pinanatili ng anti-graft court Seventh Division ang argumento ng kampo ni Bautista na mahalagang maiharap ang dagdag na testigo dahil mayroon itong direktang nalalaman sa naturang proyekto.

Ang testigo na kinilalang si Rommel Chavez ang project manager ng Geodata Solutions Inc. na nangasiwa sa pagpapatupad ng IT project.

Tinutulan ng prosecutors ang pagtestigo ni Chavez dahil hindi ito kasama sa listahan ng mga witnesses na isinumite ng depensa at iginiit na labag ito sa Rules of Court.

Geyunman, sinabi ng Sandiganbayan na may sapat na basehan upang ipagpaliban muna ang pre-trial agreement.

“At the time material to these cases, Mr. Chavez is alleged representative of Geodata who was the Project Manager directly involved in the Project. Offhandedly, it is his personal knowledge of the project which may aid the court in arriving at a fully informed decision.”

Magugunita na kinasuhan ng Ombudsman si Bautista nitong 2023 kasama si dating City Administrator Aldrin Cuña dahil sa paggawad nito ng kontrata sa Geodata Solutions Inc. kahit wala pang kaukulang ordinansa na nailalabas ang Sangguniang Panlungsod para sa naturang proyekto.

Nabayaran din umano ang Geodata Solutions kahit hindi pa natapos ang proyekto.

Kumbinsido ang Sandiganbayan na mahalagang humarap si Chavez sa Korte dahil ito ang may “personal knowledge and first-hand experience” sa occupational permitting system. Teresa Tavafes