Home NATIONWIDE ‘Climate hell’ ibinabala ng UN

‘Climate hell’ ibinabala ng UN

MANILA, Philippines – Sinabi ng EU climate change monitoring service na ang bawat nakalipas na 12 buwan ay niraranggo bilang pinakamainit na sa talaan sa taunang paghahambing.

Bunsod nito nanawagan si UN Secretary Antonio Guterres para sa kagyat na pagkilos upang maiwasan ang malaimpyernong klima o Climate Hell.

Ang average global temperature para sa 12 buwang panahon hanggang sa katapusan ng Mayo ay 1.63 degrees Celsius (2.9 degrees Fahrenheit) sa itaas ng pre industrial average—kaya ito ang pinakamainit na panahon mula nang magsimula ang record-keeping noong 1940, sinabi ng Copernicus Climate Change Service.

Ang 12-month average nanito ay hindi nangangahulugan na ang mundo ay lumapas pa sa 1.5C (2.7F) global warming threshold, na naglalarawan ng isang temperature average sa paglipas ng mga dekada,lampas sa kung saan ang mga siyentipiko ay nagbabala ng mas matindi at hindi maibabalik na mga apekto.

Sinabi naman ng World Meteorological Organization (WMO) ng UN na mayroon nang 80% tsansa na hindi babaa sa isa sa susunod na limang ton ang magmamarka sa unang taon ng kalendaryo na may average na temoperatura na pansamantalang lumampas sa 1.5C , na mataas sa pre-industrial levels-mula sa 66% na pagkakataob noong nakaraang taon.

Binigyan-diiin naman ni UN Seceratry-General Antonio Guterres kung gaano kabilis ang mundo sa maling direksyon at malayo sa pagpapatag ng sistema ng klima nito.

Ayon kay Guterres, wala nang panahon para baligtarin ang kurso kaya hinikayat nito ang 30% cut sa pandaigdigang fossil fuel production at paggamit nito sa 2030.

“We need an exit ramp off the highway to climatehell”, sqabi pa ni Guterres.

“The battle for 1.5 degrees will be won or lost in the 2020’s”, dagdag pa niya. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)