Home NATIONWIDE PH, US, Japan coast guards target magpatrolya sa high seas

PH, US, Japan coast guards target magpatrolya sa high seas

MANILA, Philippines – Sinabi ng Philippine Coast Guard (PCG) na tinalakay nito kasama ang kanilang counterpart sa Japan at United States ang posibleng pagsasagawa ng pagpapatrolya sa labas ng Philippine Exclusive Economic Zone (EEZ) o tinatawag na’ high seas’.

Ayon kay PCG commandant Admiral Ronnie Gil Gavan, tinalakay ng tatlong bansa ang usapin sa kamakailang Shangri-La Dialogue sa Singapore.

Sinabi rin ni Gavan na napag-usapan din ang posibilidad na sila ay sasakay sa barko ng Pilipinas sa pagpapatrolya sa high seas o karagatan na lampas na sa ating EEZ.

Wala pa namang timeline para sa posibleng joint patrols para ngayong taon, ayon pa kay Gava.

Kamakailan ay naglabas ng bagong regulasyon ang China na nagpapahintulot sa kanilang coast guard na arestuhin at ikulong ang mga papasok sa south Chian Sea kasunod ng Philippine civilian mission sa West Philippine Sea.

“Foreign suspected of illegally passing China’s borders can be held for up to 60 days”, ayon sa media report. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)