MANILA, Philippines – Inatasan ng Sandiganbayan nitong Huwebes si Senator Jinggoy Estrada na magbigay ng dokumento kaugnay sa kanyang kahilingan na travel abroad.
Sa pagdinig, inatasan ng Sandiganbayan Fifth Division ang kampo ng Senador na magbigay ng kanyang detalyadong itinerary, return ticket at iba pang dokumento.
Dumalo si Estrada sa pagdinig sa pamamagitan ng video conferencing.
Kasunod ng mosyon ni Estrada na payagang makabiyahe sa Japan, Norway, at Austria sa gitna ng mga kasong graft laban sa kanya sa pork barrel scam.
Samantala, tinutulan ng prosekusyon ang mosyon ni Estrada, na nangangatwiran na hindi kailangan ang kanyang paglalakbay sa ibang bansa. Jocelyn Tabangcura-Domenden