MANILA, Philippines – Itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Associate Justice Geraldine Faith Econg bilang bagong Presiding Justice ng Sandiganbayan.
Papalitan ni Econg si Amparo Cabotaje-Tang, na nagretiro Nobyembre ng nakaraang taon.
Isang batikan na hukom, si Econg ay itinalaga bilang associate justice ng Sandiganbayan noong 2016.
Naging presiding judge din siya ng Regional Trial Court (RTC) Branch 9 ng Cebu City mula 2004 hanggang 2010.
Matagal pa magsisilbi si Econg sa Sandiganbayan dahil sa Aug 2037 pa ito nakatakdang magretiro.
Ang Sandiganbayan ang special appellate collegial court ng bansa na may hurisdiksyon sa mga criminal at civil cases ng mga government officials at employees na sangkot sa katiwalian. Teresa Tavares