Manila, Philippines- Walang pagsidlan ang tuwang naramdaman ni Sandro Muhlach matapos ibasura ng Pasay City Regional Trial Court Branch 11 ang motion to quash na inihain ng dalawang independent contractors sa kasong sexual assault.
Bigo ang kampo nina Jojo Nones at Richard Cruz sa kanilang mosyon, bagay na isinatinig ng kanilang legal counsel na si Atty. Maggie Abraham-Garduque.
Ayon sa abogada: “They’re not happy with the decision. We are still fighting for the case to prove their innocence with respect to the case filed against them.”
Desidido naman ang Sparkle artist na ilaban ang kanyang kaso till the very end.
Ito’y sa kabila ng umano’y ginagawang pambabaligtad nina Nones at Cruz sa kanya.
“Kahit nag-plead pa sila ng ‘not guilty …sino ba namang kriminal ang aamin sa mga ganitong kaso?” saad ni Sandro.
Maging ang ama ng binatang aktor na si NiƱo Muhlach ay natuwa rin sa naging desisyon ng korte.
“Although du’n sa nauna, talagang pinanghinaan ng loob ang anak ko,” pahayag ng dating child wonder.
Ang isinampang kaso ni Sandro ay may kinalaman sa insidente pagkatapos ng GMA Gala noong isang taon.
Sandro claimed to have been raped by Nones and Cruz. Ronnie Carrasco III