Home ENTERTAINMENT Sandro, may update sa kaso!

Sandro, may update sa kaso!

Manila, Philippines – Suportado ng anak ni Nin̈o Muhlach at Sparkle artist na si Sandro Muhlach ang bagong lunsad na Courage Movement.

Ang Courage Movement ay inilunsad sa konsyerto ni Gerald Santos na pinamagatang “Courage”.

Layunin ng grupong ito ang tulungan at magsalita ang mga biktima ng sexual harassment.

Lantad na sa publiko ang sinapit nina Gerald at Sandro na parehong biktima ng sexual abuse.

Sa pambihirang pagkakataon ay nainterbyu namin si Sandro.

Kinunan namin siya ng update sa progreso ng kini-claim niya na sexual assult na ginawa sa kanya ng dalawang writers ng GMA7

Ayon kay Sandro, “Very supportive ako sa grupo na ‘to. Kasi para naman to sa lahat ng biktima. Hindi lang naman para sa amin to. Para sa lahat to.

“So, kung may mga gustong to speak for themselves sa mga nangyari sa kanila, nandito lang ang Courage Movement and PAVE (Promoting Awareness and Victors Empowerment) Philippines para sa kanila.”

Ongoing na raw ang case na isinampa nila kaya much as he wanted to say a lot ay ‘di pwede because of court’s restriction.

Pero sinabi nya na wala raw nagri-reach out sa kanya para sa out-of-court settlement for the case.

“So, tuloy din ang laban. At saka never ako magpapa-settle ng kahit ano. So, lahat dadaanin namin sa tamang proseso,” madiing sabi ni Sandro.

Ang isa sa good news na nalaman namin from Sandro ay ang pagtigil ng bullying sa kanya sa socmed.

“Yes, nag-stop naman na. Pero ano, nag-start lang yung bullying sa mga kamag-anak nila. So, yun lang. Pero wala na. Tumigil na rin naman sila,” lahad ni Sandro.

Wala raw siyang balak idemanda pa ang mga nangbu-bully sa kanya, sa ngayon.

“Basta ang focus ko yung mismong kaso ko lang. Wala na munang, ayoko munang mag-ano, sobrang nakakapagod. Nakak-stress. I don’t even wanna talk about it,” pakiusap ni Sandro. Julie Bonifacio