Home NATIONWIDE Sanggol, inilibing nang buhay ng sariling ina sa bukid

Sanggol, inilibing nang buhay ng sariling ina sa bukid

189
0

MANILA, Philippines – Isang bagong silang na sanggol ang natagpuang nakalibing nang buhay sa isang bukid ng mais sa Bayambang, Pangasinan nitong Martes ng umaga, at inaresto na ang pinaniniwalaang ina nito, ayon sa pulisya.

Hindi tinukoy ng mga awtoridad ang eksaktong barangay, ngunit batay sa paunang imbestigasyon, nadiskubre ng isang negosyante ang mga bakas ng dugo habang nasa kanyang taniman ng mais.

Humingi siya ng tulong sa kanyang mga tauhan upang hanapin ang pinanggalingan nito, ngunit walang nakita kaya iniulat niya ang insidente sa mga opisyal ng barangay. Kasama ang mga residente, bumalik sila sa lugar at napansin ang isang kahina-hinalang tambak ng damo.

Nang hukayin ang lugar, natagpuan ang isang itim na plastik na nakabaon sa lupa na naglalaman ng isang bagong silang na sanggol na buhay pa ngunit nasa kritikal na kondisyon.

Agad na dinala ang sanggol sa Bayambang District Hospital ngunit kalaunan ay binawian din ng buhay habang ginagamot. Ayon sa doktor, cardiorespiratory arrest ang sanhi ng pagkamatay nito.

Sa follow-up investigation, natukoy ng pulisya ang suspek na ang 32-anyos na ina ng sanggol, isang may-asawa, nagtatrabaho bilang lady guard, at residente ng Bayambang. Siya ay inaresto at sasampahan ng kasong infanticide. Mary Anne Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here