Home HOME BANNER STORY Sanggol, paslit patay sa saksak ng sariling ina sa Davao

Sanggol, paslit patay sa saksak ng sariling ina sa Davao

193
0

NABUNTURAN, Davao de Oro — Patay ang isang 3-anyos na lalaki at 7-buwang gulang na sanggol na babae matapos umano silang saksakin ng kanilang sariling ina sa loob ng kanilang bahay sa Purok 5, Barangay Magsaysay, Martes ng umaga, Pebrero 17.

Ayon sa imbestigasyon ng Nabunturan Municipal Police, duguan at wala nang buhay ang dalawang bata nang matagpuan sa loob ng kanilang kwarto.

Itinuro umano ng isa pang kapatid ang kanilang ina bilang suspek sa krimen.

Batay sa inisyal na pagsusuri, nagtamo ng mga saksak sa katawan ang mga biktima na naging sanhi ng kanilang agarang pagkamatay.

Isinugod naman sa Davao de Oro Provincial Hospital ang ina matapos magtamo rin ng saksak sa leeg.

Siya ay kasalukuyang ginagamot at binabantayan ng mga pulis.

Nakumpiska sa crime scene ang isang kutsilyo na pinaniniwalaang ginamit sa pananaksak.

Patuloy pang inaalam ng pulisya ang motibo sa insidente. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here