BATAAN, Philippines – Tinatayang nasa mahigit animnapung piraso ng mga assorted na iba’t-ibang kalibre ng baril kabilang ang ilang high powered firearms at libu-libong piraso ng mga bala ang boluntaryong isinurender mula sa isang dating security agency na nakabase at may tanggapan sa isang residential area sa Barangay Munting Batangas, Balanga City.
Batay sa ulat sa ulat ni Bataan Police Director Col.Marites Salvadora kay Central Luzon Police Director Brigadier General Jess Mendez.
Nasa 65 na piraso ng iba’t-ibang kalibre ng baril gaya nang 31 piraso/unit ng 12 Gauge Shotgun; 2 units (pcs) ng 5.56mm Rifles; 2 units of Caliber .30 Carbines (HP); 1 Unit/Piece Caliber.45 Submachine gun (HP); 25 Units/Pcs Caliber 9mm pistol; 4 Units Caliber.38 Revolvers na na sa kabuuan ay abot sa 65 piraso ng mga baril at nasa 2,500 Rounds ng assorted ammunition (Bala) at iba”t-ibang firearms magazine ang boluntaryong isinuko nang dating corporate secretary ng isang security agency na pag-aari ng isang namayapang retiradong mataas na opisyal pulisya sa naturang lugar.
Ayon sa report, base sa pagsusuri, nadiskubre ng mga awtoridad na ang 24 sa naisukong mga baril ay may magkaka-parehas umanong serial number (duplicate SN).
Nadiskubre din na ang Ilan sa mga baril ay Hindi umano rehistrado at walang certification documents mula sa Firearms and Explosive Office (FEO).
Napagpasyahan umanong dating corporate secretary ng security agency na live-in partner ng yumaong dating mataas na opisyal ng pulisya matapos itong mailibing nitong makaraang linggo lamang.
Gumugulong din ang imbestigasyon ng pulisya kung dapat umanong may managot sa mga nadiskubreng iregularidad kaugnay sa duplikasyon ng mga serial number ng baril at mga Hindi rehistradong armas.
Nasa kustodiya na nang pulisya ang mga isinurender na baril at mga bala para sa dokumentasyon at tamang disposisyon. (ROEL TARAYAO)