VATICAN – Wala na sa panganib ng kamatayan si Pope Francis at mahusay siyang tumutugon sa paggamot sa ospital, sinabi ng Vatican noong Lunes, bilang tanda ng pag-unlad habang ang 88-taong-gulang na pontiff ay nakikipaglaban sa double pneumonia.
Mahigit tatlong linggo nang nasa ospital ng Gemelli ng Rome si Francis matapos siyang ma-admit noong Pebrero 14 na may malubhang impeksyon sa paghinga na nangangailangan ng paggamot.
Sa pinakahuling medical update, sinabi ng Vatican na nagpasya ang mga doktor na alisin ang naunang pagbabala, na ibig sabihin ay wala na sa agarang panganib ang papa.
“The improvements recorded in previous days have further consolidated, as confirmed by both blood tests and clinical assessments, as well as a good response to his drug treatments,” ayon sa Vatican.
Bagamat inalis na ng doktor ng naunang prognosis, sinabi ng Vatican na inaasahan nilang ipagpapatuloy pa rin ng papa ang medical drug treatment sa ospital.
Sinabi ng Vatican na wala pang eksaktong timeframe na ibinigay kung kelan lalabas ng ospital ang papa.
Inilarawan si Pope Fracis na nasa stable o bumubuting kondisyonn sa nakalipas na linggo kasunod ng dalawang krisis ng “acute respiratory insufficiency” noong March 3. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)