Manila, Philippines – Solo flight si Sanya Lopez nang dumating sa birthday celebration ng beauty skin expert na si Cathy Valencia na ginanap sa Manika Polo Club sa Makati City.
Isa si Sanya sa top celebrity endorsers ni Cathy.
Ang iba pang celebrity endorsers ng Cathy Valencia Skin Clinic na dumating sa birthday celebration ni Cathy ay ang couples na sina Ronnie Alonte-Loisa Andalio, McCoy de Leon-Elisse Joson, Enzo Pineda-Michelle Vito at John Prats-Isabel Oli.
“Lovelife? Wala,” sabay tawa ni Sanya.
“Hindi kasi…paano ba? Hindi ko naman siya hinahanap, eh. Kasi kusa siyang dumarating. The more na hinahanap ko siya, the more na hindi siguro siya meant.”
Matagal na raw walang boyfriend si Sanya.
Sabi ni Sanya, “Hindi ko naman siya pina-priority, eh. I mean, ako lang naman yun. Sarili ko namang desisyon.
“Pero yung kumbaga, yung manggagaya sa akin, eh, ‘di good luck sa inyo.
“Pero yung hindi gagaya sa akin well, okay lang din. I support you. Kasi meron ding mga tao na happy sila kapag meron silang lovelife. Iba rin yung nagbibigay inspirasyon sa ‘yo everyday, yung ganoon,” ngiti ni Sanya.
Meron namang nagbibigay inspirasyon sa kanya.
“Sarili ko lang. Hahaha. Siguro yung mga work, yung mga blessing na dumadating sa atin. Sa totoo lang po, ang hirap isingit ng mga bagay na yan,” diin niya.
Dagdag pa ni Sanya, “Pero kung dumating naman siya, ayoko kasi nu’ng nagiging ano siya like,(it’s) an obligation na when it comes to relationship.
“I wanted na parang sobrang smooth lang ng lahat. Pag ganoon ang feeling ko baka siya na. Kasi pag feeling mo may struggles baka hindi pa siya.”
Gusto raw niya na mahal na mahal siya ng guy, mabait at laging special ang treatment sa kanya.
“Provider,” sabi pa niya. “I mean, hindi ako naghahanap, nandoon ako sa husband-material na agad.”
Seryoso na kasi si Sanya sa susunod na guy na mqgiging boyfriend nya. Nandon na raw kasi siya sa tipo ng guy na pang- husband-material.